Pinaplano ng Commission on Elections na ituloy ang pagsasagawa ng voter registration ngayong buwan para sa mga botanteng hindi pa nakakapagrehistro.

REGISTRATION (21)

"We hope to start in June," pahayag ng tagapagsalita ng Comelec na si James Jimenez.

Hinihintay na lamang aniya nila ang go-signal ng Comelec en banc bago simulan ang pagpaparehistro.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang nasabing hakbang aniya ay bilang tugon ng Comelec sa mga natatanggap nilang katanungan mula sa mga botanteng hindi pa nakakapagrehistro.

"We have been getting a lot of inquiries, so there is obviously a big interest. The resumption of voter registration is dependent on our readiness. The fact that we are asking for it in June means we are ready," sabi nito.

Gayunman, sinabi nito na hindi na ito dadagsain ng mga bagong magpaparehistro.

"In recent times, we have had several registration periods. So that might have an impact. There may not be that much.

We now have one continuing registration period, except that it is suspended temporarily everytime there is an election," dagdag pa ni Jimenez.

Huling naisagawa ang pagpapalista ng mga botante noong Hulyo 2, 20018 hanggang Setyembre 29 ngunit sinuspinde ito upang bigyang-daan ang May 2019 midterm polls.

-Leslie Ann G. Aquino