NAGWAGI ang short film tungkol sa pinuno ng organisasyon ng mga mangingisda sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay ng top prize sa katatapos lamang na Istorya ng Pag-asa Film Festival.Ang Ka Dodoy ang ang tinanghal na Best Film a INPFF Gala Night and Awarding Ceremony, na ginanap nitong Sabado ng gabi sa Ayala Trinoma Cinema 7.Tampok sa Best Film si Roberto “Ka Dodoy” Ballon Jr., pinuno ng Kapunungan sa mga Gamay ng Mangingisda sa Concepcion. Ito ay idinirihe ni Meg Seranilla at Mark Aposaga. At kapwa sila nag-uwi ng P80,000 cash prize.
Ang kanyang liderato, determinasyon at pagganap sa responsibilidad ang naging susi sa pagkakasalba ng hanapbuhay ng komunidad mula sa pagkalugmok, at at muli nilang naiangat ang kanilang pinagkakakitaan sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga nasasakupan ng konserbasyon at pakikiisa sa kanilang mga proyekto.Ang Maglabay Ra in Sakit, isang short film tungkol kay Khalid Hamid (RkJun), isang 23 taong gulang na Tausug na rap artist, na determinadong abutin ang pangarap sa industriya ng rap music, kahit na lugmok sa kahirapan, at apektado ng terorismo sa Katimugang Mindanao, ang nakasungkit naman sa first runner-up, kaya nakapag-uwi si Mijan Jumalon P50,000 cash prize. Ang Litratista ni Allan Lazaro ang nagwaging second runner-up at cash prize na P30,000. Sinundan sa pelikula ang istorya ni Nanay Fely, na natagpuan ang kanyang hilig sa photography nang maging official photographer ng mga pampublikong elementarya sa Maynila.The top three films will be screened at Ayala Mall Cinemas from June to October this year. Ang INPFF ay isang nationwide, all-digital film competition para sa mga orihinal na dokumentaryo tampok ang kakaibang istorya ng mga ordinaryong Pilipino. Layunin ng kumpetisyon na maging platform para sa mga Pinoy filmmakers na maipakita ang totoo at inspiring stories of hope.Inorganisa ng Office of the Vice President (OVP) ang INPFF 2019 katuwang ang Ayala Foundation at Film Development Council of the Philippines (FDCP).Panauhing tagapagsalita sa event si Vice President Leni Robredo at ipihayag na ang film festival ay hindi tungkol sa istorya ng “poverty and tragedy” ng mga Pilipino, ngunit ng “long and arduous process behind its retelling, and the power of moving pictures.” “We wanted to elevate the art of storytelling to inspire more people and give them hope torise above today’s extraordinary times because the miracles that we need to shape our future are best told through the screen,” lahad ni VP Leni.
Naggawa din ng special awards sa festival, kabilang ang Best Director kay Allan Lazaro para kanyang short film na Litratista; Best Cinematography at Ayala Foundation Community Development Award para sa Ka Dodoy nina Meg Serranilla at Mark Aposaga; Best Editing kay Mijan Jumalon para sa Maglabay Ra In Sakit; People’s Choice Award para sa Yapak ni Romel Mondragon Lozada; The Office of the Vice President Special Recognition Award para sa Modern Day Hero ni Roy Robert Rusiana.
Ang mga nagwagi ay pinili ng panel of judges, na kinabibilangan ng screenwriter na si Doy del Mundo, filmmakers na sina Dan Villegas at Quark Henares, aktres na si Shamaine Buencamino, at ng kinatawan ni FDCP chairperson Liza Diño.
-RAYMUND F. ANTONIO