Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

2:00 n.h. -- Pacific Town Army vs Banko Perlas

4:00 n.h. -- Balipure vs Motolite

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

MAKABAWI sa natamong pagkatalo at umangat sa solong ikalawang puwesto ang tatangkain ng Pacific Town Army sa pagsalang nilang muli ngayong hapon sa 2019 Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Makakasagupa ng Lady Troopers sa pambungad na salpukan ngayong 2:00 ng hapon ang Banko Perlas na bigo naman sa una nitong laro sa kamay ng namumunong PetroGazz noong nakaraang Miyerkules.

Kasunod nito, magtutunggali naman sa tampok na laban ang Balipure at ang ngayon pa lamang sasalang na Motolite ganap na 4:00 ng hapon.

Sasandigan ng Pacific Town Army sa tangka nilang pagbawi sina imports Sutadta Chuewulin at Kannika Tipachot kapwa ng Thailand at mga local standouts na sina Jovelyn Gonzaga, Ging Balse Pabayo, Royce Tubino at setter Alina Bicar.

Para naman sa Perlas Spikers, tiyak ding magkukumahog upang makabawi sina imports Lakia Bright at Yasemin Sahin Yildirim kasama ng mga locals na sina Dzi Gervacio, Nicole Tiamzon at Sue Roces.

Samantala sa tampok na laro, umaasa naman ang Purest Water Defenders na makakalaro na kapwa ang dalawa nilang imports na sina Danijela Dzakovic ng Montenegro at Alexandra Vajdova of Slovakia.

Hindi nakalaro sa kanilang unang laban su Dzakovic dahil sa kakulangan nito ng kaukulang dokumento.

Samantala, aabangan naman ang paglalaro para sa Motolite ni Gyselle Silva Franco ng Cuba matapos ang naging stint nito sa Philippine Superliga kung saan umiskor sya ng 56 puntos sa isang laro.

Makakatuwang nya si Edina Selimovic ng Bosnia and Herzegovina.

-Marivic Awitan