Aabot sa P37 milyon ang naging ayuda ng pamahalaan sa mga biktima ng Marawi siege noong 2017.

Ginunita ang mga nasawi sa ikalawang anibersaryo ng Marai siege nitong Mayo 23. JANSEN ROMERO

Ginunita ang mga nasawi sa ikalawang anibersaryo ng Marai siege nitong Mayo 23. JANSEN ROMERO

Ito ang iginiit ng Office of Civil Defense (OCD) bilang pagkontra sa naging ulat ng Commission on Audit (CoA) na naging matipid ang ahensiya dahil P10,000 lang umano ang naibahagi nito sa bawat kaanak ng mga namatayan at nasugatan sa limang buwang giyera sa Marawi City.

Depensa ni OCD executive director at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Administrator Ricardo Jalad, naging maingat sila sa pagpapalabas ng pondo upang maayudahan ang lahat ng naapektuhan ng nasabing bakbakan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nilinaw pa niya, aabot na sa P5.164 bilyon ang nagamit para sa Marawi rehabilitation at reconstruction program.

Ayon pa sa kanya, ang OCD ay nagsisilbing implementing arm ng NDRRMC at coordinator ng Task Force Bangon Marawi (TFBM), na naatasang manguna sa pasasaayos ng lungsod at tumulong sa mga naapektuhan ng terror attack sa naturang lugar.

Fer Taboy