KASADO na ang dalawang araw na championship rounds ng World Slasher Cup 2 Invitational 9 -Cock Derby ngayong weekend sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.
Mga isponsor ang Thunderbird at Emperador habang media partners ang PitGames Media Inc., TV5’s “All New Tukaan”, ABS-CBN Action + Sports, “Sagupaan,” “Sabong Nation”, “Sabong Pilipinas”, “Bakbakan Na TV”,at The Sabong Chronicles.
Kasali sa 4 -cock finals bukas ang mga umiskor ng 2, 2.5, 3 at 3.5 points habang sa Linggo ang may 4, 4.5 at 5 points (4 -cock grand finals).
“It’s still anybody’s race at this point and a participant can wrest the championship with four more victories,” pahayag ni Pitgames Media Inc. CEO Manny Berbano.
Sa 2018 World Slasher Cup 2 9 -Cock Derby, 7.5 puntos lamang ang iskor nina Rey Briones ng Masbate at Rod Advincula ng Bulacan (Green Gold Uno) na tinanghal na solo champion.
Nangunguna sina Rey Canedo ng Team Excellence at baguhang si Atty. Henry Tubban ng Ilocos nang umiskor ng 5 -0 (panalo -talo) tungo sa grand finals sa Linggo. May 4 panalo sina Doc Ayong Lorenzo/Manny Berbano, Nene Araneta, Felix and RC Gatchalian, Jervy Maglunob, Mauro Prieto/Rey Briones, Emil Tiu, Anthony Lim, Frank Berin, Louie Tulang, Randy Rabadon, Eslabon at Escolin Brothers at Honey Yu.
Sa mga nagnanais manood ng live, mabibilia ng tiket sa TicketNet outlet (Yellow Gate ng Araneta Coliseum).