INCOMING college freshman na ang award-winning Kapuso actress na si Kyline Alcantara ngayong school year 2019-2020.

Kyline copy

Naipasa ni Kai (tawag kay Kyline), ang ALS o Alternative Learning System Accreditation and Equivalency Test ng Department of Education (DepEd) na kinuha niya sa Cainta Elementary School nu’ng February 24, 2019.

“Unexpected,” wika ng aktres. “Galing pa po kasi ako ng taping ng ‘Inagaw Na Bituin’ kaya medyo puyat po ako. Nagpaalam din ako sa ‘Sunday PinaSaya’ para sa exam. Buti pinayagan po ako ng staff.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Mula grade 9 (nasa home study siya), diretso na nang kolehiyo ang dalaga. Hindi na niya pagdaraan ang grades 10 to 12. Ang bongga, ‘di ba?

At dahil ALS passer, pagkakalooban si Kyline ng certificate/diploma kung saan makikita ang DepEd seal at signature ng secretary.

S a b i ng S t u d i o 7 mainstay, “Para po sa akin, importante pa rin po ang edukasyon. Paulit-ulit din po itong ipinapaala ng parents ko.”

“Kaya po kahit ano’ng puyat at pagod ko, binibigyan ko po talaga ng oras at panahon ang studies ko.”

“Importante po talaga sa akin ang pag-aaral. Ito po ang fallback ko kapag hindi na po ako active sa showbiz,” lahad pa ni Kai.

Naghahanap pa ng mapapasukang kolehiyo si Kai, sa tulong ng kanyang parents na sina Daddy Butch at Mommy Weng.

Kung matutuloy, balak niyang kumuha ng Political Science at itutuloy sa kursong law kung kakayanin ng kanyang schedule.

Sa ngayon, busy pa rin ang 16-year old Kapuso Breakout Star sa paglalagare ng dalawang show tuwing Sunday, namely: Sunday PinaSaya at Studio 7.

Wala pang official announcement mula sa management ng GMA pero kalat na rin naman ito sa social media na magiging online host si Kyline ng Starstruck 7 na magsisimula ngayong Hunyo.

An g ma i n hos t s ng original reality-based artista search ay sina Dingdong D a n t e s a t Jennylyn Mercado (first sole female survivor) at ang council members ay sina Cherie Gil, Jose Manalo at Heart Evangelista.

-LITO T. MAÑAGO