IDEDEPENSA ni Joe Noynay ang kanyang WBO Asia Pacific super featherweight title laban sa walang talong si Japanese OPBF featherweight titlist Satoshi Shimizu sa Hulyo 12 sa EDION Arena Osaka, Osaka, Japan.

Aangat ng timbang si Shimizu na sa tangkad na lagpas 5’10 ay masyadong malaki sa featherweight division kung saan nakalista siyang No. 3 kay IBF featherweight champion Josh Warrington ng United Kingdom.

Ngunit, hindi natatakot si Noynay sa magandang rekord ni Shimizu na perpektong walong panalo, lahat sa knockouts, lalo’t wala pang nakapagpabagsak sa kanya sa ibabaw ng ring.

Nakuha ni Noynay ang WBO Aspac title nang mapatigil niya sa 2nd round si Japanese world rated Kosuke Saka noong Abril 20, 2019 sa sagupaan sa Osaka, Japan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May rekord si Noynay 17-2-1 win-loss-draw na may 6 panalo lamang sa knockouts ngunit beterano ng mga laban sa Japan at China. - Gilbert Espena