DALAWA sa maituturing na greatest athletes na nakilala sa UAAP ang ginawaran ng pangunahing karangalan ng liga sa kanilang final years.

Hinirang sina UST Women’s Volleyball Team skipper Cherry Rondina at Ateneo de Manila tanker Jessie Lacuna bilang UAAP Season 81 Athletes of the Year sa Team at Individual sports, ayon sa pagkakasunod, nitong Martes ng gabi sa closing ceremony na idinaos sa MOA Arena sa Pasay City.

Sa kanyang limang taon ng paglalaro sa UAAP, nagwagi si Rondina ng apat na UAAP championships at apat ding MVP award sa beach volleyball.

Sa pagtatapos ng kanyang collegiate career nagwagi ang 5-foot-6 spiker ng MVP honors sa indoor volleyball.Siya ang ikalawang student athlete kasunod ni Wendy Semana na nagwagi ng top individual awards kapwa sa indoor at beach volleyball.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Ang two-time Olympian na si Lacuna ay dominante sa UAAP swimming competition at pinamunuan ang Ateneo sa limang sunod na men’s championships.

Sa kabuuan ng kanyang collegiate career ay nagwagi si Lacuna ng 35 gold medals, apat na MVP plums at dalawang Athlete of the Year honors, ang una noong nakaraang Season 78.

Sa nasabi ding okasyon, natanggap ng UST, ang kanilang ikatlong sunod na General Championship trophy at 42nd overall sa seniors division at ang kanilang ika-19 na general championship sa juniors division.

Nakatipon ang UST ng 279 puntos kung saan galing ang bulto nito sa naitala nilang kampeonato sa Women’s Beach Volleyball, Men’s Beach Volleyball, Men’s Table Tennis, Women’s Table Tennis, Men’s Judo, and Women’s Judo.

Pumangalawa ang La Salle na may 260 puntos, at nagtabla sa ikatlo ang Ateneo at UP na kapwa may 237 puntos.

Ginawaran din ng parangal sa pagtitipon ang mga top student scholars mula sa lahat ng miyembrong unibersidad na kinabibilabgan nina Jed Colonia (Basketball) ng Adamson, Reagan Gavino (Swimming)ng Ateneo, Jamica Arribas (Softball) ng La Salle, Josefa Ligmayo (Track and Field)ng Far Eastern University , Jack Animam (women’s basketball)ng National University, Nicole Cortey (Fencing)ng University of the East, Mae Bernal (Fencing)ng UST, at Nicole Oliva (Taekwondo)ng University of the Philippines.

Samantala, winalis naman ng Ateneo ang individual awards sa High School Division matapos tanghaling Athletes of the Year ang basketbolistang si Kai Sotto para sa Team Sports at swimmer Philip Joaquin Santos para sa Individual Sports.

-Marivic Awitan