Walong araw matapos ang eleksiyon, iprinoklama ngayong Miyerkules ng Commission on Elections (Comelec) ang 12 nanalong senador ng bansa.

Winning Senators pose after their proclamation at the PICC in PAsay City, May 22 ,2019. In photo: 11th place Sen. Bong Revilla, 9th place Sen Francis Tolentino, 7th place Sen Lito Lapid, 5th place Sen Ronald Dela Rosa, 3rd place Sen Bong Go, 1st place Sen Cynthia Villar, 2nd place Sen Grace Poe, 4th place Sen Pia Cayetano, 6th place Sen Sonny Angara, 8th place Sen Imee Marcos, 10th place Sen Koko Pimentel, and 12th place Sen Nancy Binay. (Mark Balmores)

In photo: 11th place Sen. Bong Revilla, 9th place Sen Francis Tolentino, 7th place Sen Lito Lapid, 5th place Sen Ronald Dela Rosa, 3rd place Sen Bong Go, 1st place Sen Cynthia Villar, 2nd place Sen Grace Poe, 4th place Sen Pia Cayetano, 6th place Sen Sonny Angara, 8th place Sen Imee Marcos, 10th place Sen Koko Pimentel, at 12th place Sen Nancy Binay. (kuha ni Mark Balmores)

Ang “Magic 12” ay binubuo ng mga re-electionist na sina Senator Cynthia Villar, Sen. Grace Poe, dating presidential aide Bong Go, Rep. Pia Cayetano, ex-PNP chief Ronald dela Rosa, re-electionist Sen. Sonny Angara, dating senador Lito Lapid, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, dating presidential political adviser Francis Tolentino, re-electionist Sen. Koko Pimentel, dating senador Bong Revilla, at isa pang re-electionist na si Sen. Nancy Binay.

Sa official tally ng Comelec, nakuha ni Villar ang pinakamaraming boto na umabot sa 25,283,727; kasunod si Poe, 22,029,788; si Go ay may 20,657,702; si Cayetano, 19,789,019; si Dela Rosa, 19,004,225; si Angara ay may 18,161,862; si Lapid, 16,965,464; si Marcos, 15,882,628; si Tolentino ay may 15,510,026; si Pimentel, 14,668,665; si Revilla, 14,624,445; at si Binay ay may 14,504,936 na boto.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Personal na tinanggap ng mga bagong senador ang kani-kanilang certificates of proclamation mula sa Comelec, na tumatayong National Board of Canvassers. Sa proklamasyon, unang dumating si Tolentino na nakasuot ng Bagong Tagalog at kasama ang kanyang pamilya.

Kasunod niya si Binay, na sa ibang entrance dumaan at hindi sa red carpet na para sa mga VIP.

‘SENADOR NA AKO!’

Magkasunod namang dumating sina Revilla, kasama ang asawang si Bacoor City, Cavite Mayor Lani Mercado at mga anak, at si Dela Rosa—na napasigaw pa ng “Senador na ako!” bago pumasok sa PICC.

“Hindi ko maipaliwanag kung ano ang pakiramdam ko ngayon, basta tayo ay nagpapasalamat sa lahat ng bumoto, sumuporta at nanindigan para sa akin. Maraming salamat po. Umasa kayo na tayo ay magpe-perform sa Senado,” sinabi naman ni Revilla sa ambush interview.

Dumating din si Villar kasama ang kanyang pamilya, kasunod sina Angara, Pimentel, Go, Lapid, Poe, Marcos, at Cayetano.

Ang proklamasyon ng mga nanalong senador ay pinangunahan ni Comelec Chairman Sheriff Abas.

Ang bagong batch ng mga senador sa 18th Congress ay iprinoklama dakong 10:30 ng umaga kahapon sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, at magsisilbi sa loob ng anim na taon, simula sa Hunyo 30, 2019 hanggang sa Hunyo 30, 2025.

PARTY-LISTS

Sa ganap na 7:00 ng gabi naman itinakda ang proklamasyon sa mga nanalong party-list groups, na habang isinusulat ang balitang ito ay inaantabayanan pa ang proklamasyon ng mga nominado ng mga party-list groups, sa pangunguna ng ACT-CIS, Bayan Muna, Ako Bicol, CIBAC, Ang Probinsiyano, 1Pacman, Marino, at Probinsiyano Ako.

-Mary Ann Santiago, Martin A. Sadongdong, at Leslie Ann G. Aquino