HUMATAW ng buwena-manong panalo ang Katayama Baseball Academy(KBA) Stars matapos nitong blangkuhin ang Rizal Technological University(RTU) via mercy rule,16-0, sa pagbubukas ng Philippine Baseball League (PBL) nitong weekend sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.

Nagpasiklab ang Katayama pitchers na sina dating La Salle star Carlos Munoz,Francis Geismundo at Lesmar Ventura upang mapigilan ang Mandaluyong sluggers para sa isang no hitter abbreviated one-sided victory.

Tinampukan pa ito ng two-run-home run ni Munoz sa tuktok ng unang inning na naging hudyat ng masaker sa Malate diamond.

“We had a very good start in the PBL and I’m very happy to have this team with young potential talent,” pahayag ni KBA team owner/coach Katayama na kaagapay sa bullpen sina coach Joseph Orillana at Jonnard Pareja.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ang KBA Stars ni baseball patron Katayama, Japanese national na nakabase sa Pilipinas,ay binubuo ng mga collegiate at commercial players,ilang kasalukuyan at dating miyembro ng national team, ang bagong tatag na koponang sumabak sa bagong ligang PBL na inorganisa nina Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Chito Loyzaga at secretary -general Pepe Muñoz