NAISALPAK ni Leslie Flor ang layup mula sa fastbreak play para sandigan ang Adamson University sa 64-61 panalo kontra La Salle, 64-61, nitong Sabado sa women’s division ng 25th Fr. Martin’s Cup Summer League sa San Beda Gymnasium.

Itinataguyod ang liga ng Resorts World Manila, Bedans 62-66, at Cocolife.

Nagawang makadikit ng La Salle mula kay Natalia Prado sa naiskor na siyam na sunod na puntos para mailapit ang iskor sa 62-57 may 50. 3 segundo sa laro.

May tiyansa ang Lady Archers na maipuwersa ang overtime, ngunit nadepensahan ng Adamson ang play ng La Salle para sa fastbreak layup ni Flor may 4.5 segundo ang nalalabi.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nanguna sa Adamson si Prado na may 25 puntos.

Kumabig si Dalisay sa La Salle na may 13 puntos.

Sa isa pang laro, tinambakan ng University of Santo Tomas ang University of the East, 73-62 para sa 4-0 karta.

Kumana si Taki Tacatac ng game-high 24 marker para sa UST, habang nanguna sa UE si Christine Cortisiano na may 19 puntos.

Sa juniors game, nadomina ng Treston International High School ang Diliman Preparatory School, 86-64.