HINDI lingid sa buong mundo na kakaiba ang galing at talento ng mga Pinoy.

Kaya hindi na kataka-takang maraming professional Pinoy singers ang hinahangaan na rin sa ibang mga bansa.

Dalawa sa Singapore

Sina Darren Espanto at KZ Tandingan ang performers sa headline act sa kauna-unahang “One Music X” sa Singapore.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Ang musical event ang highlight sa selebrasyon ng Philippine Embassy para sa ika-50 anibersaryo ng relasyon ng Pilipinas at ng Singapore.

“TFC’s One Music X Singapore concert will be an exciting event for Filipinos in Singapore and people who like good live music,” pahayag ni Philippine Ambassador to Singapore Joseph Del Mar Yap.

“This concert will be one of the various events that will bring together Filipinos in Singapore to celebrate and commemorate the anniversary of Philippine Independence,” aniya oa.

Kasama nilang magtatanghal ang Ben&Ben, sina Bugoy Drilon, at Jayda Avanzado.

“We at ABS-CBN are honored to be part of commemorating the 50th anniversary of Philippine-Singapore bilateral relations. We hope that through our musical event, One Music X Singapore, more people from different nationalities get a first-hand experience of Philippines’ rich musical culture and talent,” lahad naman ni ABS-CBN global country manager for South Asia and regional marketing head for Asia Pacific Maribel Hernaez.

Gaganapin ang “One Music X show in Singapore” sa May 26 sa SCAPE Playspace sa Orchard Link.

China girl

Isa pa sa tinitingalang Filipino pride ay si Aicelle Santos.

Kinatawan ng 34 taong gulang ang Pilipinas sa Asian Culture Carnival na ginanap sa National Stadium sa Beijing, China nitong May 15.

Nagtanghal sa concert ang dose-dosenang artist mula sa Asya bilang bahagi ng Conference on Dialogue of Asian Civilizations, na may temang “Exchanges and Mutual Learning among Asian Civilizations and a Community with a Shared Future” ngayong taon.

Tinatayang 1,500 eksperto mula sa buong mundo, kabilang ang mga pinuno ng state, at kilalang mga government officer ang dumalo sa naturang event.

Sa sunud-sunod na post ng kanyang manager na si Carlo Orosa sa Instagram, nakitang nakasuot si Aicelle ng pulang Filipiniana dress. Kinanta niya ang Nais Ko ni Basil Valdez, sa harap ng manonood na iniulat na aabot sa 30,000 katao.

Sa Russia

Alam ng mga nakapanood ng Pitch Perfect kung gaano kahusay ang Filipino vocal group na Acapellago.

Ang Acapellago ay isang Filipino contemporary a cappella group na mula sa lalawigan ng Bulacan. Itinatag noong November 2012, ang grupo ay binubuo ng limang young artist na sina Michelle Corpoz, Almond Bolante, Joshua Cadelina, Happy Lemon Laderas at Bogart Laderas.

Una silang nakilala nang tanghaling grand champion sa Talentadong Maloleño contest noong 2012. Tinagurian din ang grupo bilang Grand Champion ng unang Akapela Open singing competition ni Ryan Cayabyab.

Naging tanyag ang grupo dahil sa kanilang viral rendition ng nursery rhyme na Tatlong Bibe.

Sa mga nagnanais na malaman kung ano nang balita sa kanila, well, kamakailan lang ay nagpunta sila sa Russia. Hindi para sa bakasyon, mind you, ngunit dahil lumahok sila sa kumpetisyon doon, kung saan sila ang idineklarang First Prize winner sa Medium Vocal Ensemble Category ng Moscow Spring A Cappella Festival 2019.

Tinalo ng Pinoy group ang mahigit 100 entries mula sa 26 na bansa, na nagtanghal sa 51 venue sa loob ng 12 araw.

Sa kumpetisyon, inawit ng Acapellago ang repertoire na sinabayan ng himig at indak ng mga Russian. Ngunit ang pinaka-pinalakpakan ay ang version nila ng Da Coconut Nut ni Ryan Cayabyab.

Inawit din ng grupo ang Show Me How You Burlesque ni Christina Aguilera, Conga ni Gloria Estefan, Safe And Sound ni Taylor Swift, at Queen Of The Night ni Whitney Houston.

-REGINA MAE PARUNGAO