Nanawagan si Senator Bam Aquino sa sambayanan na manatiling matatag at samahan na rin ng dasal makaraang makapasok siya sa Magic 12 nitong Huwebes.

BAM

“I just want to tell everyone out there that I'm ok! Please continue praying for me, better yet, please continue praying for and loving our country,” saad sa Instagram post ni Aquino.

“Hindi mauubos ang pagmamahal ko sa ating mga kababayan, maganda man o hindi ang resulta ng eleksiyon,” dagdag niya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Batay sa partial at official tally ng Commission on Elections (Comelec) bandang 9:27 ng gabi nitong Huwebes nang umakyat ang puwesto ni Aquino sa ika-12 mula sa ika-13, makaraang makakuha ng 11,001,047 boto.

Nasa ika-11 puwesto ang kapwa niya re-electionist na si Nancy Binay sa 11,041,386 na boto, habang nangunguna pa rin si Cynthia Villar sa 19,383,224 na boto.

Si Aquino lang sa walong pambato ng oposisyon ang natitirang may pag-asa pa na makapasok sa Magic 12, dahil nananatili sa ika-16 na puwesto ang sumusunod sa kanya na kapartidong si Mar Roxas.

-Leonel M. Abasola at Leslie Ann G. Aquino