MALALAMAN ang mga bagong detalye sa paghahanda sa 30th Southeast Asian Games hosting, habang magpapasilip ng kapanabikan ang Premier Volleyball League (PVL) sa ilalargang ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa National Press Club (NPC) sa Intramuros.

Inaasahang magbibigay ng mga panibagong detalye sa SEA Games hosting si Philippine Olympic Committee (POC) deputy secretary-general Karen Tanchanco-Caballero, habang ilalalahad ni PVL head Ricky Palou at volleyball stars Myla Pablo at Dzi Gervacio ang mga dapat abangan ng volleyball fans sa lingguhang sports forum.

Nakatakda ang programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), PAGCOR, NPC at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ni Mike Atayde ganap na 10:30 ng umaga.

Si Tanchanco-Caballero ay pangulo rin ng Philippine Sepak Takaw Association.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ilulunsad ang PVL season sa Mayo 25 at ihahayag ni Palou, pangulo ng organizing Sports Vision Management Group, Inc., ang kahandaan ng liga, kasama ang mga star players, kabilang si Pablo, ang reigning MVP.

Pangungunahan ni Pablo, bahagi ng PVL champion teams Pocari at National University sa Collegiate Conference, ang Motolite, habang si Gervacio ang mangunguna sa Banko Perlas.

Imibitado rin sa talakayan sina Spikers’ Turf players Rex Intal, Marck Espejo at Peter Torres ng Cignal.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga opisyal at miyembro, gayundin ang publiko na makiisa sa programa na mapapanood din ng live sa Facebook via GlitterLivestream.