Standings

(Aspirants Group)

W L

^Cignal 8 1

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

UST 5 2

St. Clare 5 2

Petron 6 3

GFG 5 3

Che’Lu 5 3

xAMA 2 5

xBatangas 2 7

xMcDavid 1 7

xFamily Mart 0 6

(Foundation Group)

W L

^CEU 7 1

^Valencia 6 1

*Metropac 6 3

FEU 5 3

Marinero 5 4

xDiliman 4 4

xSMDC 3 5

xWangs 3 6

xPerpetual 2 5

xTrinity 0 8

^ - twice-to-beat

* - playoffs

x - eliminated

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

12:00 n.h. -- Valencia City Bukidnon vs CD14 Designs-Trinity

2:00 n.h. -- AMA Online Education vs Family Mart-Enderun

4:00 n.h. -- Ironcon-UST vs St. Clare College Virtual Reality

ISANG panalo na lamang ang kailangan ng Centro Escolar University upang makopo ang top seed ng Foundation Group sa 2019 PBA D-League kasunod ng kanilang 44-puntos na pagdurog sa Wangs Basketball, 116-72, nitong Martes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Pinasiklab ni Tyron Chan ang nasabing lopsided win nang isalansan ang 23 sa kanyang kabuuang 32 puntos sa first half, na dinagdagan pa ng 10 rebounds, limang assists, at apat na steals.

Nagdagdag naman si Senegalese big man Maodo Malick Diouf ng 20 puntos, 16 rebounds, walong assists, at limang blocks.

“We got derailed sa NU and we didn’t take care of things in the second half,” ani coach Derrick Pumaren makaraang makabawi ang Scorpions mula sa 67-74 na pagkatalo nila sa SMDC-NU na nagtaas sa kanila sa liderato taglay ang kartadang 7-1.

“Ngayon, we made sure to take care of things.”

Tumapos naman ang Couriers na nasadlak sa ikalimang sunod na kabiguan sa 3-6 na marka.

Samantala, pag-aagawan ng Ironcon-UST at ng St.Clare-Virtual Reality ang solong ikalawang puwesto ng Aspirants Group sa pagtutuos nila sa tampok na laro ngayong 4:00 ng hapon sa parehas ding venue.

Mauuna rito, susubukang tumabla ulit ng Valencia City-San Sebastian sa liderato ng Foundation Group na hawak ng CEU sa pagharap nila ousted ng CD14 Designs-Trinity sa unang salpukan ganap na 12:00 ng tanghali.

Susundan naman ito ng isang no-bearing match sa pagitan ng parehas ng out of contention na AMA Online Education at Family Mart-Enderun College.

Marivic Awitan

Iskor:

(Unang Laro)

MARINERONG PILIPINO (90) -- Banal 27, Santillan 21, A. Aquino 13, Asistio 9, Mendoza 7, Clarito 4, Ayonayon 3, Montalbo 2, M. Aquino 2, Rodriguez 2, Wamar 0, Victoria 0.

PERPETUAL (76) -- Charcos 19, Razon 15, Peralta 13, Adamos 11, Egan 6, Guissani 5, Pasia 3, Cuevas 2, Lanoy 2, Martel 0, Aurin 0, Tamayo 0, Sese 0.

Quarterscores: 20-30, 50-36, 73-58, 90-76.

(Ikalawang Laro)

CEU (116) -- Chan 32, Diouf 20, Fuentes 16, Formento 12, Uri 11, Rojas 10, Diaz 6, Lisbo 5, Pamaran 2, Abastillas 2, Ke. Caballero 0.

WANGS (72) -- Singontiko 12, De Mesa 12, Pallatao 12, Tambeling 8, Wong 8, Gerero 8, Lim 5, Ilac 3, Brojan 2, Alano 2, Mocon 0, Evangelista 0.

Quarters: 38-17, 55-29, 82-54, 116-72.