PINATUNAYAN ng Orbe Chess Team A ang kanilang supremacy sa ibang koponan matapos magkampeon sa 1st Ahedres Pilipinas Rapid Chess Team Tournament na ginanap sa third floor Alphaland Southgate Mall, Makati City.
Nirendahan nina Narquingel “Archie” Reyes, lawyer Cliburn Anthony Orbe, Fide Master Narquingden “Arden” Reyes at Jaime “Kuting” Criste, binigo ng Orbe chess team ang Team Larry A, 2-5.1.5, sa final round para makopo ang titulo sa seven round tournament sa pagkubra ng total 19 match points tungo sa pag-bulsa ng top purse P30,000 at trophy sa one day-event na magkatuwang na inorganisa nina dating Olympian member Woman National Master Christy Lamiel Bernales, National Master Marc Christian Nazario at Christian Anthony Flores ng Ahedres Pilipinas.
Bagamat natalo agad si Orbe sa kanyang laro kay Virgen Gil Ruaya sa board two, ay nagtala naman ng kambal na panalo sina Archie at Kuting matapos pasukuin sina Roberto Biron at Gilbert Parna, sa board 1 at 4 para mahablot nila ang kanilang kalamangan.
Nakapuwersa naman si FM Arden ng tabla sa losing position kontra kay 12-times National Open champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. sa board 3 para ihatid ang Team Orbe sa 2.5-1.5 victory kontra sa Team Larry A.
Ang Expendables na kinabibilangan nina Alfredo Rapanot, Vince Angelo Medina, International Master Jan Emmanuel Garcia at John Wayne Dizon ay nakakolekta ng 18 match points tungo sa runner-place P20,000 at trophy.
Habang ang Araruh chess team na sinelyuhan nina Rowell Roque, Recarte Tiauson, Jonthan Docot at Reynaldo Gempero Jr. ang tumangap ng P12,000 at trophy matapos ang third over-all at manaig sa superior tie break points kontra kay fellow 16 match points na UST Tigers Elite chess team nina Venz Dwight Kwan, Melito Ocsan Jr., Samson Lim Chhiuh Chhin at International Master Ronald Dableo. Natamo ng UST chess team ang P8,000 sa kanilang efforts.