SAKTO sa Mother’s Day ang guesting ni Sharon Cuneta sa Eat Bulaga last Saturday, at nakasama pa siya sa celebration ng longest-running noontime show.

Sharon copy

First time na nakasamang kumanta ni Sharon ang Broadway Boys, at hangang-hanga siya sa magagandang boses ng apat ng young singers.

“Ang Eat Bulaga po ang unang bahay ko talaga, ang unang family ko,” sabi ni Sharon.

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

“Lumaki ako sa pangangalaga ng tatlo kong tatay dito, sina Tito Sen (Senator Tito Sotto), Tito Joey de Leon, at si Bossing Vic Sotto, at miyembro po ako ng Escalera family ng Iskul Bukol. Marami po akong memories dito.”

Matagal na hindi nakapag-guest si Sharon sa Eat Bulaga, although last year, nag-guest sa “My Hero” segment ng show ang panganay nila ni Senator Kiko Pangilinan na si Frankie. Sabi, dapat ay si Sharon ang kasama ni Frankie na pupunta sa show, pero hindi natuloy, sa halip ang bunsong sister niyang si Miel ang nakasama ni Frankie.

“Kaya salamat sa Eat Bulaga na pinayagan akong mag-promote dito ng first horror movie ko. Yes, after ng 56 drama movies, saka pa lamang ako nakagawa ng horror, matapos kong ma-meet si Direk Erik Matti,” sabi ni Sharon, tinukoy ang Kuwaresma.

“Sana po ay panoorin ninyo kami sa Wednesday, May 15. Ito po ang Mother’s Day presentation ng Reality Entertainment at Globe Studios, at malalaman ninyo kung bakit pang-Mother’s Day ang movie namin. May premiere night po kami ngayong Monday, May 13, sa SM Megamall.

“Iyong trailer po na napanood ninyo, wala po iyon sa kabuuan ng movie namin na katambal ko si John Arcilla, at mga anak namin ang dalawang mahuhusay na newcomers, sina Ken at Pam Gonzales.”

Last Thursday, nagkaroon na ng special screening ang Kuwaresma sa UP Film Centre sa UP Diliman. Naka-schedule na rin ang mga block screenings ng movie ng mga loyal fans ni Megastar.

-NORA V. CALDERON