OPISYAL nang inihayag ang FOX Pay-Per-View unification bout nina WBA welterweight champion Manny Pacquiao at walang talong si WBA super welterweight titlist Keith Thurman ng United States sa Hulyo 20 sa Las Vegas, Nevada.

“The long-expected announcement of the Keith Thurman-Manny Pacquiao fight finally was made Saturday night during FOX’s telecast from Fairfax, Virginia.

“Thurman-Pacquiao has been scheduled July 20. Their welterweight title bout will headline a FOX Pay-Per-View show.

“Their 12-round fight is expected to take place at MGM Grand Garden Arena in Las Vegas,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“The card also will include the first title defense for IBF super middleweight champ Caleb Plant, who’ll defend his title against Mike Lee.”

Inaasahang pukpukan ang magiging sagupaan ng 40-anyos na si Pacquiao at Thurman na nanggaling sa katakut-takot na pinsala sa katawan at muntik mapatulog ni Mexican Joselito Lopez sa 7th round ng kanilang sagupaan noong Enero 26, 2019 sa Brooklyn, New York na nagwagi lamang sa kontrobersiyal na 12-round majority decision ang Amerikano.

Huli namang nagwagi si Pacquiao nang kumbinsidong 12-round unanimous decision sa Amerikanong si Adrien Broner noong nakaraang Enero 19 sa Las Vegas, Nevada para maidepensa ang kanyang WBA title.

May rekord ang 30-anyos na si Thurman na perpektong 29 panalo, 22 sa pamamagitan ng knockcouts kumpara kay Pacquiao na may kartadang 61.7-2 win-loss-draw na may 39 pagwawagi sa knockouts

-Gilbert Espeña