Game 7 sa Nuggets vs Blazers; Sixers vs Raptors

TORONTO (AFP) – Anuman ang maging isyu, walang hihigit pa sa katotohanan na magkakaalaman sa nalalabing dalawang playoff series sa pahirapan at dikdikang sudden death math.

ASAHAN ang umaatikabong aksiyon sa NBA Game 7 match

ASAHAN ang umaatikabong aksiyon sa NBA Game 7 match

“Nothing matters,” pahayag ni Raptors guard Kyle Lowry, “but Game 7.”

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Wala na sigurong tatalo sa antas ng kasabikan at emosyon sa sports sa laro sa Game 7. Dalawang serye sa NBA second round ang magkakaroon ng resulta sa pamamagitan ng Game 7 ngayong Linggo (Lunes sa Manila).

Magtutuos ang No. 3 seed na Philadelphia at No. 2 seed na Toronto Raptors sa Eastern Conference playoff, habang magkakasubukan ng todo ang Portland at No. 2 Denver sa Western Conference semi-final.

Ang magwawagi sa Portland-Denver ay haharap sa top-seeded Golden Statesa Game 1ng West finals sa Martes (Miyerkules sa Manila), habang naghihintay ang top seed Milwaukee Bucks sa magwawagi sa Philadelphia-Toronto. Nakatakda ang Game 1 ng East Finals sa Miyerkules (Huwebes sa Manila).

“I’ve been fortunate to be in a few Game 7s and they’re very unique,” pahayag ni Philadelphia coach Brett Brown. “They’re special. They are a life lesson, a life opportunity.”

Kabuuang 133 Game 7s ang naitala sa kasaysayan ng NBA—may 105 o 79% ang pagwawagi ng hometea. Isa sa apat na Game 7 ay nadisisyunan ng tatlong puntos, at bihira ang naitalang blowout.

“It’s for our season, for all the marbles,” pahayag ni Portland guard Damian Lillard.

Naitala ng Denver ang Game 7 win ngayong season nang gapiin ang San Antonio sa first round. Naitala ni Nikola Jokic ang triple-double — 21 points, 15 rebounds, 10 assists — sa naturang laro para sa Nuggets, dahilan para magpahayag ng kumpiyansa si coach Michael Malone sa laban ng Nuggets.

Ngunit, para sa Jokic hindi lamang home court advantage ang kailangan ng Nuggets para gapiin ang Blazers, bagkus ang mas determinadong kaisipan sa laro.

“I’ve played basketball for 15 years,” sambit ni Jokic. “That’s what I’ve done my whole life. Why would I be nervous right now? ... You control the game. You’re the one who’s playing. As long as you’re giving 100 percent, you can’t be nervous because you’re focused on the plays and actions and whatever you’re doing on the floor. You don’t have time to be nervous.”