Denver at Toronto, kumabig sa 3-2 bentahe

DENVER (AFP) — Kung may ningas mang nalalabi sa Portland TrailBlazers, kaad na itong naapula ng Denver Nuggets.

NAGHAHANAP ng mapapasahan si Denver Nuggets forward Paul Millsap matapos magipit sa depensa ni Portland Trail Blazers forward Maurice Harkless sa isang tagpo ng kanilang laro sa Game 5. Nagwagi ang Nuggets para sa 3-2 bentahe ng best-of-seven Western Conference second round playoff series.

NAGHAHANAP ng mapapasahan si Denver Nuggets forward Paul Millsap matapos magipit sa depensa ni Portland Trail Blazers forward Maurice Harkless sa isang tagpo ng kanilang laro sa Game 5. Nagwagi ang Nuggets para sa 3-2 bentahe ng best-of-seven Western Conference second round playoff series.

Sa pangunguna ni Nikola Jokic na kumubra ng 25 puntos at team playoff high 19 na rebounds, gayundin sa veteran moves ni Paul Millsap nadomina ng Nuggets ang Blazers tungo sa 124-98 blowout nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa Game 5 ng Western Conference semifinals.

Mommy ni EJ Obiena, todo-suporta sa anak na pole vaulter: 'We're all here'

Tangan ng Denver ang 3-2 bentahe.

Magagawa nilang makausad sa Western Conference Finals sa unang pagkakataon matapos ang isang dekada sa pagwawagi sa Game 6 sa Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Portland.

Umiskor si Millsap ng 24 na puntos, tampok ang 19 na sa first half tungo sa unang lopsided game sa serye.

Hindi nakatikim ng bentahe ang Portland laban sa Denver na umabante sa 18 puntos na bentahe sa first period tungo sa pinakamalaking 31 puntos na kalamangan.

Nanguna si Damian Lillard sa Portland na may 22 puntos, ngunit malamya ang tirade niya sa three-point arc sa mababang 2-of-9.

Matapos ang nakapanghihinang Game 3 na umabot sa apat na overtime, naging kalmante ang Nuggets ang nagawang madomina ang tempo para sa hinahangad na momentum.

Sumabak ang Nuggets, sa kabila ng nagdurugong puso nang maalala ni coach Malone ang naganap na pamamaril sa eskuwelahan na malapit sa kanyang tahanan at nag-aaral ang dalawang anak na babae.

“When kids go to school, they should be going to school to learn, have fun, be with their friends, not worried about an active shooter,” pahayag ni Malone.

RAPTORS 125, SIXERS 89

Sa Toronto, giniba ng Raptors ang Philadelphia sa Game 5 para makuha ang 3-2 bentahe sa Eastern Conference besrt-of-seven semifinal playoff.

Hataw sina Kawhi Leonard na may 21 puntos at 13 rebounds, at Pascal Siakam na may 25 puntos para sa Raptors.

Makakaabant e sa Eas t ern Conference finals ang Raptors kung muling mananaig sa Game 6 sa Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Philadelphia.

Sakaling manaig ang Sixers, nakatakda ang do-or-die sa Linggo (Lunes sa Manila).

Nag-ambag si Kyle Lowry ng 19 na puntos, habang tumipa si Danny Green ng 5-for-7 sa three-point range para sa 17 puntos. Kumubra si Marc Gasol ng 11 puntos at kumana si Serge Ibaka ng 10.

Nagawang madomina ng Raptors ang 76ers 37-17 sa second quarter para makuha ang 21 puntos na bentahe, 64-43.

Nanguna si Jimmy Butler sa Sixers na may 22 puntos at tumipa si Tobias Harris ng 15 puntos.

Nalimitahan si Joel Embiid sa 13 puntos at may walong turnovers.