ISANG medieval fantasy ang Game of Thrones ngunit nagpakita naman sila ng kakaibang modernong touch sa serye nang magkaroon ng cameo ang Starbucks cup sa fictional Westeros kingdom ng mga dragon at zombies, sa episode na ipinalabas nitong Linggo.

Game of Thrones copy

Siyempre pa, pinagkaguluhan ito ng fans.

Ang na tukoy na paper cup ay n a k i t a n g n a s a ibabaw ng mesa habang may pagtitipon sa Winterfell, at mahihinuha na kayang-kaya itong abutin ng mga karakter na sina Jon Snow at Daenerys Targaryen, sa ikaapat na episode ng final season, ang The Last of the Starks.

'Sexy pero classy!' Janine Gutierrez, calendar girl na rin

Humingi naman ng paumanhin sa fans si Bernie Caulfield, isa sa mga executive producers ng global hit television series ng HBO.

“I can’t believe (it),” aniya nang kapanayamin ng New York’s WNYC radio nitong Lunes. “Our onset prop people and decorators are so on it a 1,000 percent.

“We’re sorry! Westeros was the first place to actually have Starbucks,” biro pa ng executive.

S a tongue - in- che ek comment , ipinahayag ng HBO na ang “latte that appeared in the episode was a mistake. Daenerys had ordered an herbal tea.”

Siyempre pa, hindi pinalampas ng Starbucks, ang pinakamalaking coffee chain sa buong mundo, ang biglaan at ‘di inaasahang publicity sa serye, na pinanonood ng mahigit 30 milyong katao, sa Amerika pa lang.

“TBH we’re surprised she didn’t order a Dragon Drink,” post ng kumpanya sa Twitter, na ang tinutukoy ay ang kanilang summer menu addition ng bright pink fruit at coconut milk beverage na naglalaman ng tropical dragon fruit, na kilala rin bilang pitaya.

Naging paksa rin ang eksena ng memes at jokes sa social media.

At may mga nadismaya rin. “They took 2 years to shoot 6 episodes and left a Starbucks cup in a scene,” tweet ng netizen na nagngangalang Dylan.

Ang ikawalo at pinal na season ng Game of Thrones ay nagtala ng bagong records para sa HBO, dahil sa mahigit 38 milyong American na nag-abang sa season premiere episode na umere noong April 14.

Ang Emmy-winning series, na adaptation ng nobelang A Song of Ice and Fire ni George R.R. Martin, ay magtatapos sa May 19.

-Reuters