Inamin ng Department of Energy na kung magpapatuloy ang pagpalya ng mga power plant sa mga susunod na araw, posibleng magkaroon ng isang-oras na rotational brownout sa canvassing ng mga boto sa Mayo 14.

LINEMAN, HINDI SPIDER-MAN Nagsasagawa ng maintenance work ang mga lineman sa tuktok ng poste sa San Jose Del Monte, Bulacan, ngayong Biyernes. (MARK BALMORES)

LINEMAN, HINDI SPIDER-MAN Nagsasagawa ng maintenance work ang mga lineman sa tuktok ng poste sa San Jose Del Monte, Bulacan, ngayong Biyernes. (MARK BALMORES)

Ito ang binanggit ni Energy Assistant Secretary Redentor E. Delola na “worst case scenario” nang tanungin tungkol sa power-supply demand setting sa araw ng halalan.

“The worst case scenario, like what happened on April 10, 11 and 12…if we expect that there would still be outages and the demand is higher, then we will have a problem,” pag-amin ni Delola, at tinayang tatagal ang brownout ng “one hour per area”.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa araw ng botohan sa Mayo 13, kumpiyansa ang DoE na sapat ang supply ng kuryente dahil idineklara namang holiday ang araw na iyon—kaya maraming tanggapan at negosyo ang sarado, at mas mababa ang demand kumpara sa ibang araw.

Gayunman, sa bilangan ng mga boto sa Mayo 14, sinabi ni Delola na kung aabot sa maximum level ng kuryente ang mawawala dahil sa forced outages, maaaring maging “problematic” ang sitwasyon at hindi maiwasang magkaroon ng rotating brownouts.

Kaugnay nito, sinabi ni House Committee on Energy Chairman Lord Allan Velasco na ang “integrity of the election results will raise questions if brownouts happen”, lalo na kung nangunguna sa bilangan ang mga pambato ng administrasyon, kaya naman hinimok niya ang DoE na magkaroon ng konkretong solusyon sa inaasahang problema.

-Myrna M. Velasco