“It took me 28 years but it took them 65 years.”
Ito ang caption ng isang anak sa kaniyang social media reel na hinangaan ng netizens matapos niyang i-record ang naging Japan adventures nilang pamilya sa Japan kamakailan.
Sa nasabing TikTok reel, makikita ang snippets ng naging travel ng netizen na si Eileen kasama ang magulang, mula sa eroplano, paglapag nila sa airport, hanggang sa pag-iikot at pagta-try nila ng street foods sa Japan.
Makikitang sa clips ang bakas na saya ng mga magulang niya.
“What a privilege to see Japan with my parents. I am forever grateful Lord (nakakaiyak naman tong trend na to),” saad pa ni Eileen sa caption.
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Eileen, ibinahagi niyang fulfilling ang naging travel nilang ito dahil naging oportunidad ito para unti-unti silang makabawi magkakapatid sa mga nagawa ng magulang nila para sa kanila.
“Very fulfilling ‘yong moment na ‘yon, dahil sa lahat ng ginawa nila for us na magkakapatid finally nakakabawi na kami paunti-unti sakanila, and we are so grateful for the opportunity to do that syempre dahil every child’s dream yon. Super happy and sarap sa feeling because we never experienced going out of the country before,” pagbabalik-tanaw ni Eileen.
Ibinahagi rin niya na bilang first big trip niya kasama ang magulang, at sa abroad pa, sinigurado niyang planadong maigi ang kanilang mga lakad para ma-enjoy ng mga ito ang pagkakataon na ito.
“At first I'm kind of nervous because I will be traveling with 2 senior citizens in a foreign country and it's also my first time, and it’s our first big trip so I planned our itinerary very well. I’ve decided to avail tour packages for it to be a hassle free vacation, especially for them na hindi na makalakad ng matagal, hinihingal na, masakit yung paa. Pero seeing them na super happy, sobrang na-enjoy nila yung cold weather, onting cherry blossom, mga foods and mga views ni Japan super worth-it lahat ng pagp-plano. From all the struggles and problems na hinarap nila noon, sobrang saya ko na makitang masaya sila mama at papa ngayon and they’re just living their life na,” aniya.
Hinggil sa naging pagpapalaki sa kanilang magkakapatid, ibinahagi ni Eileen na bagama’t hindi sila ganoon kayaman noon, ibinigay pa rin ng magulang ang lahat ng pangangailangan nila.
“They gave everything they could in their own way, they gave me proper education [and] supported me in everything that I do. Marami din akong pagkakamali, pero never nila akong sinukuan, they were always there para tulungan ako, pinalaki nila kaming magkakapatid na punong puno ng pagmamahal. I’ll say na hindi kami ganon kayaman noon, enough lang meron kami sa pang araw araw,” saad niya.
Sa mga pagkakataong ito, hindi raw ipinaramdam ng magulang na mayroon silang kakapusan, bagkus, kinaya ng mga ito ang hirap para ma-enjoy pa rin nila Eileen ang buhay.
“I can still remember no’ng bata ako at si ate ko magba-byahe kami papuntang Bataan kasama si mama, pagkakasyahin namin sarili namin sa isang upuan katabi ni mama para 2 seats lang babayaran niya, pero hindi pina-feel samin ni mama na nagtitipid kami dahil for us ni ate ko ang nasa isip namin gusto lang ni mama na close kami para ma-enjoy namin ‘yong byahe which is yun ang nangyari dahil naglalaro kami ni ate during the trip and isa yun sa hindi ko makakalimutang moments sa life ko. ‘Yon yung nare-realize ko habang tumatanda ako, may mga bagay na kahit nahihirapan sila mama at papa kinakaya padin nila on their own, wag lang namin maramdaman na may problema,” saad niya.
Idinagdag din ni Eileen na bilang bunso, may “special treatment” siya mula sa magulang. Nang tumuntong na siya sa high school at kolehiyo, naging istrikto na ang kaniyang mga magulang pero naintindihan naman daw niyang nais lamang nilang ng mga itong tiyakin ang kaligtasan niya.
“Growing up, either mama’s girl ako or papa’s girl 50/50 lang, I felt special being the youngest in the family kumbaga may special treatment ako, most of the time nakukuha ko ang gusto ko if kayang i-provide nila mama at papa. When I was still a kid, I can remember crying pag gabi na tas wala pa parents ko sa bahay kasi akala ko iniwan na nila ako, ganoon ako ka-drama no’ng bata ako, and my siblings will tease me dahil iyakin talaga ako nung bata (but I think until now). Then in highschool and college, diyan ko naramdaman pagiging strict nila mama at papa, kapag magpapaalam ako na late uuwi talagang susunduin nila ako, iche-check sino mga kasama ko but I know they just want me to be safe all the time,” pagbabalik-tanaw ni Eileen.
Ngayong nakakaangat-angat na sila sa buhay, ayon kay Eileen, prayoridad nilang magkakapatid na maging maayos ang kalusugan ng magulang nila bago muling magplano ng susunod nilang travel adventure.
“For now wala pa kaming plans, because my papa is under medication right now he was diagnosed with abdominal aortic aneurysm. So for now we are more focus on muna sa health niya and ni mama. But God willing we’ll be able to travel again soon,” ani Eileen.
Sa pagtatapos ng panayam, nagbigay ng mensaheng pasasalamat si Eileen sa magulang at kabataan na nakakasama pa ang magulang nila.
“To my papa and mama thankyou for always providing for us, thankyou for all your sacrifices just to give us a comfortable life, thank you for always making sure na we’re okay na magkakapatid, thank you for the love and support. I’m so grateful na kayo ang parents ko,” aniya para sa kaniyang magulang.
Para naman sa kabataan, “my message for the young people, let us all be gentle to our parents because this is also their first time living this life, natututo padin sila everyday just like us. They are not getting any younger, cherish every moment with them kahit na international or domestic travels yan, kahit na sa malapit na beach, or sa mismong bahay niyo lang yan itetreasure nila yang moment na yan. Let us love our parents in every possible way we can.”
Kaya sa kasalukuyan, umani na ng 547.1K engagement sa TikTok ang kanilang Japan Adventures, habang ang comment section ay napuno ng suporta mula sa iba pang netizens.
“[I]’m so happy for you all .”
“May your pockets never run dry .”
“The video gets blurry after a few minutes.”
“I’m so happy for you & your parents poo Sana kami rinnnn next .”
“They deserve the whole world .” “Eileen! We don’t know each other but I’m proud of you and your video made me smile today. Salamat naging part kami ng tender memory na to .”
Ang ilan namang nagkomento ay nag–share rin ng kanilang manifestation para sa sarili nilang pamilya.
“[S]ana lahat tayo ay maidala ang mga magulang natin sa ibang bansa, claim it guysss!!!!”
“[T]his is what I've been praying [for]. I hope 2026 is my winning year. I can't make them wait any longer. I need them to see me winning in life while they're still strong .”
“I so so so get you! it took me 32 years and my Mama 69 years! We celebrated her birthday this year in Japan after so many struggles and her breastcancer. She‘s three years cancer free now! Hoping to see more of the world with her .”
“Lord make me financially stable for me to be able to let my parents experience this kind of awesomeness.”
Sean Antonio/BALITA