ISANG mamamatay-tao ang karakter ni Zac Efron, na unang hinangaan at nagkaroon ng fans club nang bumida sa High School Musical films, sa crime drama na Extremely Wicked, Shockingly Evil, and Vile. Gagampanan niya ang karakter ng American serial killer na si Ted Bundy.

ZAC

Sinunsundan sa pelikula, na inilabas ng Netflix sa United States at sa Sky Cinema sa Britain nitong Biyernes, ang 1979 trial ni Ted, na binitay sa  Florida noong 1989, sa harap ng kanyang girlfriend na si Liz, na ginaganap naman ng Mirror Mirror actress na si Lily Collins. Bago ang kanyang pagkamatay, inamin ni Ted ang pagpatay sa mahigit 30 kababaigan sa ilang U.S. state noong 1970s.

Para sa kay Zac, ang role ay lubhang kakaiba sa mga nakalipas niyang ginampanan, gaya ng kamakailan niyang musical, ang The Greatest Showman at comedy na Baywatch.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

“This was a way into a genre that I thought was a little bit more cerebral than your standard hack and slash movie,” aniya sa Reuters nang makapanayam, at sinabi niyang gusto niya ang pagkakaroon ng iba’t ibang role.

“This is an in-depth look into one of the worst mass manipulators of the public and mass murderers of young girls and women probably ever and it’s a hard story to tell.”

Kinuha ang titulo ng pelikula sa mga salitang binitiwan ni judge Edward D. Cowart – na ginampanan ni John Malkovich – nang sentensyahan niya ng kamatayan ang 32 taong gulang na si Ted, kasabay ng pagbansag niya sa mga krimen nito na “extremely wicked, shockingly evil, vile”.

Ipinalabas sa telebisyon ang trial ni Ted na isinagawa sa Miami. Dalawang beses siyang nakatakas sa kustodiya ng pulisya at kasama niyang dumalo sa korte ang kanyang fans.

“Nobody believed Bundy was capable of these horrible crimes because of how he looked, how he acted,” lahad ng direktor na si Joe Berlinger.

“We live in an era of ... people putting out false imagery of who they are, and so the lessons of Bundy today, I think are even more relevant than ever before.”

-Reuters