PORMALIDAD na lamang ang hinihintay ni June Mar Fajardo upang makamit ang rekord na pang-anim na sunod na Best Player of the Conference Award sa All Filipino Conference sa ginaganap na 2019 PBA Philippine Cup.

LUTANG ang galing at katatagan ni JuneMar Fajardo ng San Migueel Beer sa All-Filipino Conference. (RIO DELUVIO)

LUTANG ang galing at katatagan ni JuneMar Fajardo ng San Migueel Beer sa All-Filipino Conference. (RIO DELUVIO)

Matapos ang semifinals, namumuno pa rin ang C e b u a n o s l o t m a n s a statistical race sa kanyang naitalang average na 41.4 statistical points.

M a h i g p i t n i y a n g katunggali sina NorthPort players Sean Anthony, Stanley Pringle, at Moala Tautuaa at ang TNT KaTropa guard na si RR Pogoy.

Putol na ang sumpa! UST tinapos na ang 9 taon losing streak sa Ateneo

Pinakamalapit si Anthony na may average na 37.1 SP’s, kasunod si Pringle (34.8), Pogoy (33.6) at Tautuaa (33.1) bilang bumubuo ng top 5.

Dating malapit na katunggali ni Fajardo si Phoenix Pulse forward Calvin Abueva ngunit, nalaglag ito sa pang-6 na puwesto makaraang mabawasan ng 40 statistical points dahil sa mga iginawad sa kanyang technical at flagrant infractions noong nakaraang semis.Mayroon na lamang siyang average na 31.6 SPs.

Kasunod niya si Alex Cabagnot (31.6) at sina Ian Sangalang ng Magnolia Pambansang Manok (30.5), teammate na si Matthew Wright (30.4) at Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra (30.1) para sa kabuuan ng Top 10.

Paboritong magwagi si Fajardo dahil sa mga players na nasa top 5, siya lamang ang lalaro sa Finals.

-Marivic Awitan