SINAMANTALA ni Pinoy pride Jeffrey “The Bull” De Luna ang kawalan ng atungal ni Fil-Am Alex “The Lion” Pagulayan para maisargo ang 11-5 panalo sa kanilang quaretfinal duel at makausad sa Final Four ng prestihiyosong 43rd US Open 9-Ball Championship nitong Biyernes sa Mandalay Bay Resort and Casino Convention Center, sa Las Vegas.

DE LUNA! Yayamanin sa US$12,000.

DE LUNA! Yayamanin sa
US$12,000.

Dalawang panalo na lamang ang layo ni De Luna para sa pinapangarap na world title at isa sa balakid na kailangan niyang tibagin si Joshua Filler ng Germany sa semifinals.

Hindi pinaporma ni De Luna si Pagulayan matapos makalamang agad sa kanilang laro bagamat ang huli ay nais maka ahon sa pagka baon sa 10-3 kung saan sa pagkakamali ni De Luna sa straight 3 sa middle pocket tungo sa10-5. Subalit kinapos na si Pagulayan at naibigay ang pagkakataon kay De Luna na maiuwi ang Barry Behrman trophy.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

“I really felt the pressure in the first rack,” sabi ni De Luna. “Alex is a great player, a World champion, but I played my game and I am very comfortable now at the table. Last night I played terribly but I practiced today and felt comfortable on the table.

Sa panig ni Filler, winasiwas naman niya si Francisco Sanchez Ruiz ng Spain, 11-3, sa iba pang quarterfinals match-ups.

Sa pagpasok sa semifinal round, nakakatiyak na sina De Luna at Filler ng tig US$12,000 sa 256 players field, $300,000 total pot prize World Pool- Billiards Association (WPA) sanctioned tournament na may nakatayang $50,000 sa magkakampeon habang $25,000 naman sa runner-up prize.

Habang isinusulat ito ay kasalukuyang naglalaban sa pagitan nina Lui Haitao (China) versus Chang Yu-Lung (Chinese-Taipei) at Wang Can (China) kontra sa kababayang si Wu Jiaqing (China).

Bago makatutong ng final eight ay kinailangan muna ng undefeated De Luna na talunin sina Torsten Schmitt ng Germany (11-0), Chris Robinson ng United States (11-9), countryman Dennis Orcollo (11-10), Kenichi Uchigaki ng Japan (11-3) Lui Hai Tao of China (11-5) at Imran Majid ng Great Britain, 11-9, in the round-of-16.

Sa kasaysayan ng US Open 9-ball, ang pinakamatagal na 9-ball tournament sa Estados Unidos ay dalawang Pinoy lamang ang nakakuha ng titulo at kampeonato sa katauhan ni Efren “Bata” Reyes noong 1994 at Alex “The Lion” Pagulayan noong 2005. Si Pagulayan na tubong Cabagan, Isabela ay Canada ang kinakatawan