Dahil sa kawalan ng "water and soap", mahigit 1,000 ang napuputulan ng ari sa Brazil kada taon.

Brazilian President Jair Bolsonaro

Brazilian President Jair Bolsonaro

Ikinabahala ni Brazil far-right President Jair Bolsonaro ang datos na umaabot sa mahigit 1,000 ang kaso ng penis amputations na naitatala sa bansa kada taon, dahil sa “lack of basic hygiene”.

Tinawag ni Bolsonaro na “ridiculous and sad” ang patuloy na pagtaas ng bilang, kasabay ng pangako na kailangang paalalahanan ang kalalakihan sa panganib ng “unhygienic behavior.”

Tourism

National Museum, bukas na araw-araw

“In Brazil, we have 1,000 penis amputations a year due to a lack of water and soap,” aniya. “We have to find a way to get out of the bottom of this hole.”

Hindi naman tinukoy ng Pangulo ang pinagmulan ng datos.

Reuters