Tinatayang aabot sa P60 milyong halaga ng puslit na asukal at paputok ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) sa Subic Bay, kamakailan.

PUSLIT

Kahapon, pormal nang iniharap ng mga opisyal ng BoC sa mga mamamahayag ang bahagi ng 35 na container van na puno ng kontrabando na nasa New Container Terminal 1 (NCT1) ng Subic Bay Freeport.

Nilinaw ni Port of Subic District Collector Maritess Martin, 34 sa 35 na container van ang naglalaman ng puslit na Thailand refined sugar habang ang natitira pang container van ay punung-puno ng iba’t ibang uri ng paputok.

Internasyonal

Embahada ng Pilipinas sa Korea, pinaiiwas mga Pilipino sa rally

Dumaong aniya sa Subic ang nasabing kontrabandong nagmula pa sa Hong Kong, nitong Marso 31 at Abril 7.

Nauna na aniya silang nakatanggap ng impormasyon na nagsasabing pawang puslit ang nilalaman ng nasabing mga container van kaya’t hinarang nila ang mga ito.

Naka-consign aniya ang mga container van sa JRFP International Trading.

Idineklara aniyang floor mats at plastic floor coverings ang nilalaman ng 34 na container van na nasamsaman ng 21,760 sako ng asukal. Kahung-kahon namang ng paputok ang nadiskubre sa loob ng isa pang container van.

Kaugnay nito, agad na iniutos ng BoC ang pagkansela ng Customs accredidation ng importer at ng Customs broker habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

-Jonas Reyes