ISA pang Pinoy ang namayagpag sa international competition.

OBIENA! Asia’s best pole vaulter.

OBIENA! Asia’s best pole vaulter.

Tinanghal na men’s pole vault champion si Ernest John Obiena sa Asian Continental sa ginanap na 2019 Asian Athletics Championship nitong Linggo sa Doha, Qatar.

Nakamit ni Obiena ang tagumpay isang araw matapos makamit ng Women’s Ice Hockey team ang hallenge Cup of Asia at nakopo ni Merwin Tan ang gold medal sa Asian Youth Bowling.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagtala si Obiena ng isang bagong rekord sa kanyang unang subok sa 5.71 metro na siyang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na lumahok sa IAAF World Championships saSetyembre na gaganapin din sa Doha.

Ito ang unang pagkakaton na muling sumabak ang 23-anyos na si Obiena matapos na pansamantalang magbakasyon sanhi ng injury na kanyang nakuha sa training.

“ Noong naiangat na yung bar sa 5.71 meters, hindi ko na inisip kung may record na na surpass. I just concentrated and executed. Apparently, that helped,” pahayag ni Obiena.

Bumunto kay Obiena ang pambato ng China na si Zhang Wei sa kanyang 5.66 para sa silver at pumangatlo naman si Huang Bokai ng China pa rin sa parehong rekord na 5.66 para sa bronze.

Samantala, sina Harry Diones na pambato ng bansa sa triple jump at ang sprinter na si Kristina Knott ay nakapasok naman sa kasunod na stage ng kompetisyon.Tumalon si Diones ng 16.16 meters habang si Knott naman ay tumapos ng 11.70 para sa 100m semifinals ginaganap habang isinusulat ang balitang ito.

Habang ang 400m hurdler na si Francis Medina, ang 800m runner na si Marco Vilog at si Joyme Sequita ay bigo naman na makaakyat sa susunod na estado ng kompetisyon.

-Annie Abad