Bucks, diniskaril ang Pistons; haharap sa Celtics

DETROIT (AP) — Nalagpasan ng Milwaukee Bucks ang unang balakid sa hangaring masungkit ang NBA title.

UMISKOR sa fade-away jumper si Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo laban sa depensa ni Detroit Pistons center Andre Drummond sa kaagahan ng kanilang laro sa Game 4 ng first-round NBA basketball playoff series nitong Lunes. Nagwagi ang Bucks para makumpleto ang 4-0 sweep. (AP)

UMISKOR sa fade-away jumper si Milwaukee Bucks forward Giannis
Antetokounmpo laban sa depensa ni Detroit Pistons center Andre Drummond sa kaagahan ng kanilang laro sa Game 4 ng first-round NBA basketball playoff series nitong Lunes. Nagwagi ang Bucks para makumpleto ang 4-0 sweep. (AP)

H a t a w s i G i a n n i s Antetokounmpo sa nakubrang 41 puntos para pagbidahan ang Milwaukee Bucks sa pambihirang ‘sweep’ sa impresibong 127-104 panalo kontra Detroit Pistons sa best-of-seven first round playoff nitong Lunes (Martes sa Manila).

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Bunsod nito, umusad ang Bucks sa second round ng Eastern Conference playoffs sa unang pagkakataon mula noong 2001. Makakaharap nila ang matikas na Boston Celtics, umarangkada rin sa 4-0 ‘sweep’ laban sa Indiana Pacers.

Isinara ng Milwaukee ang third quarter sa dominanteng 17-3 run para makuha ang 10 puntos na bentahe sa fourth period at agawin ang momentum sa Pistons na umarangkada sa unang tatlong period. Naitala ng Detroit ang NBA record na 14 sunod na kabiguan sa playoff mula noong 2008.

Nag-ambag si Reggie Jackson sa naiskor na 26 puntos, tampok ang 20 sa first half para sa Detroit, habang kumana si Blake Griffin ng 22 puntos bago na-fouled out may 7:06 ang nalalabi sa laro. Binigyan siya ng standing ovation bago nagsimulang magalisan ang crowd, tanda ng pagsuko sa panibagong kabiguan ng prangkisa.

Kaagad na umabante ang Detroit sa 20-8 matapos ang dunk ni Griffin. Nanatiling abante ang Pistons sa 62-56 sa halftime, ngunit nabigo silang sustinahan ang opensa laban sa nangungunang koponan sa regular season.