TUTULAK patungong US si Filipino pool shark Marlon "Marvelous Captain" Manalo sa layunin na mapataas ang kanyang world ranking bukod sa sisikaping makapagdala ng karangalan sa bansa.
Ang ipinagmamalaki ng Patrol Party-list ay tutumbok sa money-rich 43rd US Open 9-Ball Championship sa Abril 21 hanggang 26, 2019 na gaganapin sa Mandalay Bay Resort and Casino, Las Vegas, Nevada, USA.
Sa kanyang pagbabalik sa mundo ng bilyar matapos ang matagal ng hindi paglalaro, nakatutok siya sa $300,000 total pot prize tournament. Ang US Open 9-ball na longest-running pool tournament sa United States.
Ang chairman ng Barangay Malamig sa Mandaluyong City na siya ding League of Barangays of the Philippines Press Relation Officer at ABC president ay umingay ang pangalan sa billiard circuit matapos talunin sina noted pool sharks Yang Ching-shun ng Taiwan at mga kababayan na sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante sa knockout stage ng World Pool Championship noong 2004.
"I will pour all that I know in the cue sports," sabi ng Jose Rizal University (JRU) AB Economics graduate Manalo, many-time winner sa US Pool Circuit at runner-up kay Reyes sa 2004 World 8-Ball Championship.
“I hope to do well in this event (US Open 9-ball)," dagdag pa ni Manalo na nag silver medal sa snooker event matapos mag runner-up place kay eventual champion Bjorn Haneveer ng Belgium sa 2001 Akita, Japan World Games.
Sa sumunod na taon ang 2000 Asian Snooker Champion at 2008 National Champion Manalo ay nakarating sa semifinals sa World 9-ball subalit kinapos kay eventual champion Taiwanese Wu Chia-ching (Wu Jia-qing).
Bagama't hindi nasilayan si Manalo sa mga pool tournament sa mga nakalipas na panahon ay abala naman siya sa paghahanda sa sarili niyang pool hall sa Talumpung, Mandaluyong at famous Star Billiards Center sa Grace Village, Quezon City, na punong abala ay si long-time sports patron Sebastian "Baste" Chua.