Sinabi ng Malacañang na hindi ito magsasampa ng kaso laban sa mga mamamahayag na nauugnay umano sa sinasabing planong pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Presidential Spokesperson Salvador Panelo, file

Presidential Spokesperson Salvador Panelo, file

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo makaraang kumpirmahin niya na ang mga mamamahayag umano’y may kaugnayan sa Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), Rappler, at Vera Files, ay bahagi ng “Oust Duterte” plot, gaya ng matrix na ibinigay sa kanya mismo ng Pangulo.

Sa press briefing ngayong Lunes, sinabi ni Panelo na bagamat hindi niya alam kung saan nanggaling ang kopya ni Duterte ng nasabing matrix, o kung paano ipaliliwanag iyon, tiniyak niyang may batayan ang nasabing matrix.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The source of that is from the Office of the President, from the President himself. I don't know how he got one but it's coming from the President,” ani Panelo.

“Siguro naman [it is reliable] considering he is the President he has so many sources eh validated 'yan,” dagdag niya. “Galing kay Presidente, eh. Paniwalaan n’yo.”

Sa kabila nito, sinabi ni Panelo na hindi magsasampa ng demanda ang Malacañang laban sa mga naturang mamamahayag, at binigyang-diin na kailanman ay hindi pinigilan ng pamahalaan ang media.

“We have never stifled dissent in this country. It's the President who encourages dissent. That's what democracy is all about,” ani Panelo.

“They're at it already for the past years pinapabayaan lang namin.

“Sa ngayon [hindi magsasampa ng kaso] kasi if the plot thickens and they perform acts which are already violation of the penal laws, then that's a different story,” sabi pa ni Panelo.

Una nang sinabi ni Duterte na ibubulgar niya kungb paanong dawit ang media sa mga viral na video na in-upload ng nagpakilalang “Bikoy”, na nagsasabing sangkot sa bentahan ng droga ang pamilya at ilang malalapit na kaalyado ng Presidente.

Noong nakaraang linggo, binatikos ni Duterte ang PCIJ sa ulat nito tungkol sa paglobo ng kanyang yaman, gayundin ng mga anak niyang sina Davao City Mayor Sara Duterte at dating Vice Mayor Paolo Duterte simula nang maluklok sa puwesto.

-Argyll Cyrus B. Geducos at Beth Camia