TIYAK na aangat sa world rankings ang tubong Cebu na si Joe Noynay na naisuot ang bakanteng WBO Asia Pacific belt sa pagpatigil sa loob ng dalawang rounds kay Japanese brawler Kosuke Saka noong Sabado ng gabi, Abril 20, sa Edion Arena sa Osaka, Japan.

Masyadong agresibo si Saka na kilalang knockout artist na napaatras si Noynay sa malakas na kanan sa panga pero gumanti ang Pinoy boxer ng isang kombinasyon at dalawang beses napabagsak ang Hapones bago matapos ang 1st round ng laban.

Pagdating ng 2nd round, kaagad napabagsak ni Noynay si Saka kaya itinigil ng Japanese referee ang sagupaan upang ibigay ang WBO regional belt sa Pinoy boxer na nagtala ng ikalimang sunod na panalo, tatlo sa stoppages.

Napaganda ni Noynay ang kanyang kartada sa 17-2-1 na may 6 pagwawagi sa knockouts samanatalang bumagsak ang kartada ni Saka sa 18 panalo, 5 talo na may 15 pagwawagi sa knockouts.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tiyak na aangat siya sa WBO junior lightweight rankings na kasalukuyan siyang nakalista bilang No. 10 contender sa kampeong si Masayuki na isa ring Hapones.

-Gilbert Espeña