Nakapatay umano ng pulis ang isang barangay chairman na naalikabukan nang mag-overtake sa kanya ang una sa Ilocos Norte.

Tumimbuwang ang isang pulis-Ifugao nang pagbabarilin umano ito ng isang barangay chairman dahil lamang sa alikabok sa kalsada sa Barangay Tabucbuc, Marcos, Ilocos Norte, nitong Biyernes ng gabi.

Binawian ng buhay habang isinusugod sa Doña Josefa Edralin Marcos District Hospital ang biktimang si Corporal Wilbert Rarugal, Jr., 32, nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion sa Ifugao, at taga-Bgy. Santiago, ng nabanggit na bayan.

Arestado naman ang suspek na nakilalang si Jimmy Pablo, 45, kapitan ng Bgy. Cacafean, ng naturang bayan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Si Pablo ay dinampot ng pulisya sa isang follow up operation sa

Barangay Sto. Nino, Nueva Era, Ilocos Norte, ilang oras matapos ang krimen.

Sa pahayag ni Capt. Jonevalet Maramag, hepe ng Marcos Police, ang pamamaril ay naganap sa provincial road sa Sitio San Miguel, dakong 9:00 ng gabi.

Kasama ng biktima sa minamanehong tricycle ang apat pang kamag-anak at binabagtas ang lugar nang i-overtake sila ng isang motorsiklo at agad na huminto sa kanilang daanan.

Sa ulat ng imbestigador, pinaulanan ng bala ng isa sa mga sakay ng motorsiklo ang tricycle na ikinasawi ng pulis.

Sa presinto, inihayag ng mga kasamahan ni Rarugal na kasama ang kapitan sa namaril sa kanila.

Bukod kay Pablo, arestado rin ang isa sa mga suspek na si Arvin Rivera, ng Bgy. Elizabeth ng naturang bayan.

Natuklasan sa pagsisiyasat, nagalit ang grupo ni Pablo dahil na rin sa kapal ng alikabok na nalanghap nila mula sa minamanehong tricycle ng pulis.

Freddie G. Lazaro