Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP), o number coding scheme, sa buong Metro Manila ngayong Kuwaresma.
Ayon sa abiso ng MMDA, walang number coding simula sa Miyerkules Santo (Abril 17) hanggang sa Lunes, Abril 22.
Layunin ng suspensiyon ng number coding na tiyaking sapat ang mga pampublikong sasakyan para sa mga pasaherong mag-uuwian sa mga lalawigan at sa mga simbahan, gayundin upang payagan ang mga motorista na magamit ang kani-kanilang sasakyan.
Epektibo muli ang number coding sa Martes, Abril 23, ayon sa MMDA.
-Bella Gamotea