ANG ganda ng balitang madre na ngayon ang dating aktres na si Chin-Chin Gutierrez, at ang pangalan niya ngayon ay Sister Lourdes na, isa na siyang Carmelite nun.

Chin-Chin

Nasulat ng PEP na na-conscrate na si Chin-Chin sa Carmelita Convent.

Hindi nabigla ang pamilya ni Chin-Chin nang iwan niya ang showbiz at gustuhing magmadre, dahil ang ina niyang si Cecilia Arnaldo ay dating Franciscan nun at nang lumabas sa kumbento ay naging painter.

'God wanted me to pray harder!' Ogie Alcasid nanalangin para sa Pilipinas

Mahusay na artista si Chin-Chin; mapabida man o kontrabida ang role niya, mahusay niyang nagagampanan. Isa rin siya sa may pinakamaamong mukha sa mga artistang nakilala namin.

-Nitz Miralles