Dinampot ng pulisya ang isang lalaking umano’y sangkot sa madugong sagupaan sa pagitan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) at ng grupo ng mga rebeldeng Muslim sa Mamasapano, Maguindanao, noong 2015.

SAF 44 download (17)

Sa report ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) spokesperson, Lt. Col. Mary Grace Madayag, si Tamano Esmail Sabpa, nasa hustong gulang, isa umanong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay inaresto ng mga tauhan ng CIDG-Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Cotabato Police Headquarters sa parking area ng isang ospital sa lungsod, nitong Sabado, dakong 2:00 ng hapon.

Natimbog aniya si Sabpa sa ilalim ng “Oplan Pagtugis” ng pulisya na ang layunin ay hulihin ang mga “national level” most wanted persons.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hawak din ng pulisya ang warrant of arrest laban kay Sabpa na ipinalabas ni Judge Alandrex Betoya, ng Cotabato City Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 15, sa kasong direct assault with murder.

Naiulat na kasama si Sabpa MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nakipagbakbakan sa SAF troopers na ipinadala sa lugar upang arestuhin si Malaysian bomb-maker Zulkifli Abdhir, alyas “Marwan” sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, noong Enero  25, 2015.

Napatay si Marwan ng 44 na elite force ng pulisya ngunit nasawi rin ang mga ito ng grupo ng MILF at BIFF sa isang surprise attack.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Sabpa, ayon pa kay Madayag.

-Martin A. Sadongdong