Sa hangaring tapatan ang banta ng mga rebelde, nanawagan si Pangulong Duterte sa militar at pulisya na pag-aralan ang “art of assassination” at bumuo ng sarili nilang hit squad.
Sinabi ni Duterte na kung may grupo ang New People’s Army (NPA) para maglikida ng mga sundalo at pulis, dapat na bumuo rin ang pamahalaan ng isang unit na tutugis naman sa mga hitman na ito ng NPA.
“I’m addressing myself to the police and the military. I’ve been telling you sparrow, sparrow, sparrow. Kasi kukunin talaga nila ‘yan, ‘yang armas na ‘yan. Para sa kanila, ‘pag makakita ng armas ‘yung NPA, hindi ka hintuan niyan hanggang… So you—sabi sabi ko, learn the art of assassination,” sinabi ni Duterte sa pagtitipon ng mga motorcycle club members sa Iloilo City nitong Sabado ng gabi.
“Kung may sparrow ang NPA, bakit wala akong sparrow? O? ‘Di sabi ko sa kanila, ‘Well, you form a unit, kung maghanap lang rin para sparrowhin ‘yung NPA'.
“Kung anong gagawain mo (NPA), gagawin ko. Bakit? Sino bang—ikaw lang ang gustong makalamang sa buhay na ito?”
-Genalyn D. Kabiling