WALANG makakapantay sa tagumpay ng atletang Pinoy sa 30th Southeast Asian Games sa Manila.

At sa harap ng nagbubunying sambayanan, walang duda na kaya ng atletang Pinoy na muling mabawi ang overall championship sa biennial meet sa Nobyembre.

Nanindigan si dating boxing chief at POC chairman at ngayo’y Manila District 1 Congressman Manny Lopez na mas magiging madali sa mga atleta ang manalo kung makikita nilang nagkakaisa ang mga sports officials.

“I think we can win the overall title on the SEA Games again. I think it can be done basta lahat tayo sama-sama,” pahayag ni Lopez sa kanyang pagbisita sa 17th “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ayon kay Lopez, hindi magtatagumpay ang bayan sa SEA Games kung walang pagkakaisa at pagkakaunawaan.

“In the SEA Games. we can’t be divided. We can’t confront our enemies on a divided front. Iisa lang ang ating minimithi kaya dapat iisa lang ang ating gagawin na paghahanda,” ayon kay Lopez sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC ), Pagcor, NPC at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde.

“Yun mga atleta naman natin, malaki ang paniniwala ko sa kanilang kakayahan. Malaking pagsubok itong SEA Games pero nandyan naman lagi yun fighting spirit nila,” pahayag ni Lopez, magtatangka sa ikalawang termino sa darating ng halalan.

“Hindi tayo mandaraya pero sigurado ko, mananalo tayo,” aniya