BINASAHAN ng sakdal ng Court of Tax Appeal (CTA) dahil sa kasong tax evasion si Rappler CEO Maria Ressa.

(Photo by TED ALJIBE / AFP)

(Photo by TED ALJIBE / AFP)

Not guilty plea ang inihain ni Ressa sa tatlong kaso ng paglabag sa Article 255 at isang kaso naman ng paglabag sa Article 254 na may kinalaman sa national internal revenue code.

Hiniling din ng mga abogado ni Ressa na huwag nang basahin ang impormasyon laban sa kanya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kasunod nito ay isasagawa na rin ang pre-trial sa kaso kung saan magpiprisinta ang prosekusyon ng anim na testigo.

Sa Mayo 15 naman itinakda ang susunod na pagdinig sa kaso sa ganap na 8:00 ng umaga.

-Beth Camia