OAKLAND, Calif. (AP) — Ibinuhos ng Golden State Warriors ang ngingit sa Charlotte Hornets bunsod nang kontrobersyal na kabiguan sa Minnesotta Timberwolves sa dominanteng 137- 90 panalo nitong Linggo (Lunes sa Manila) para makamit ang Pacific Division title sa ikalimang sunod na season.
Ratsada si Stephen Curry sa naiskor na 25 puntos, tampok ang limang three-pointer – ikawalong sunod na nakapagtala siya ng lima o hiogit pang three-pointer – para sa kabuuang 335 three-pointer ngayong season. Naitala niya ang NBAS record 402 three-pointer sa 2015-16 season.
Nag-ambag ang ‘Splash Brother’ niyang si Klay Thompson ng 24 puntos, tanpok ang anim na three-pointer sa isa pang pagpapamalas ng kahusaya sa outside shooting. Nadomina ng Golden State ang laro mula simula hanggang sa katapusan sa pagbabalik aksiyon mula sa nakaakwindangh na 131-130 kabiguan sa overtime sa Minnesota nitong Biyernes (Sabado sa Manila) bunsod nang kontrobersyal na tawag ng referee sa krusyal na sandali.
Nag-ambag si center DeMarcus Cousins, kumana ng 24 puntos at 11 rebounds – sa 121-110 panalo sa Charlotte nitong Feb. 25 (Feb. 26, PHL time), ng walong puntos at tatlong blocks bago napatalsik sa laro bunsdo ng Flagrant 2 foul kay Willy Hernangomez sa second period.
Nanguna si Hernangomez sa Hornets na may 22 puntos.
LAKERS 130, PELICANS 102
Sa New Orleans, naitala ni Alex Caruso ang career-high 23 puntos sa panalo ng Los Angeles kontra New Orleans Pelicans.
Kumubra si JaVale McGee ng 23 puntos at 16 rebounds, habang tumipa ang dating Pelican guard na si Rajon Rondo ng 24 puntis at 12 assists sa Los Angeles. Kapwa hindi naglaro sa kani-kanilang koponan sina Lakers’ star LeBron James at Pelicans’ Anthony Davis.
Nanguna si dating Laker Julius Randle sa New Orleans sa nahataw na 17 puntos.
Sa iba pang laro, ginapi ng Dallas Mavericks and Oklahoma City Thunder, 106-103; Naugusan ng Atlanta Hawks ang Milwaukee Bucks, 136-135, sa overtime.