Sa nalalapit na Semana Santa, magpapatupad ang Department of Transportation (DoTr) ng "Oplan Biyaheng Ayos 2019".

Ayon sa DoTr, layunin nito na matiyak ang kaligatasan, seguridad at kumportableng biyahe ng mga taong uuwi sa kani-kanilang lalawigan upang doon gunitain ang Mahal na Araw.

Kaugnay nito, isasailalim ng ahensiya ang mga tanggapan at attached agencies nito sa "heightened alert status" simula Abril 8- Abril25, kung saan magiging 24/7 ang operasyon ng mga miyembrong ahensiya, upang rumesponde sa mga aksidente at iba pang security concerns.

Inatasan na rin ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mga attached agencies na tiyaking may magbabantay sa lahat ng booths, counters o centers sa mga paliparan, terminal ng mga bus, at mga daungan.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

"Wala nang mas mahalaga pa sa DoTr kundi ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga pasahero," ayon kay Tugade.

-Mary Ann Santiago