Nanawagan ang Department of Tourism sa publiko na isumbong sa kanila ang mga pasaway na establisimyentong lumalabag sa batas sa isla ng Boracay.
Ayon kay DoT Undersecretary Art Boncato, Jr., dapat na isuplong ng local government ng Malay, Aklan sa kagawaran ang mga establisimyentong lumalabag sa mga alintuntunin sa isla.
Tiniyak niya na agaran ang gagawing aksyon ng DoT sa mga reklamong matatanggap nito.
Paliwanag naman ni DoT-Westrern Visayas director Atty. Helen Catalbas, kailangan nila ang pakikipagtulungan kaugnay ng naturang usapin.
“Our purpose is to sustain a better and cleaner Boracay Island,” aniya.
Sa record ng DoT, aabot sa 320 hotel at resort ang nabigyan na nila ng accreditation matapos na makumpleto ang lahat ng kinakailangan upang makapag-operate ng negosyo.
“Unlike in the past, Boracay-bound tourists are now required to have bookings with DoT-accredited hotels and resorts. Otherwise, they are not allowed to enter the island if they do not have proof of a hotel or resort booking. There has been strict checking at mainland Malay town before tourists are allowed to go ride the boat going to Boracay,” ayon pa sa DoT.
Tara Yap