Posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility ang bagyong ‘Chedeng’ sa susunod na linggo, at inaasahang pupuntiryahin ang Davao Oriental.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sama ng panahon sa Pacific Ocean o sa layong 1,505 kilometers (km) sa Silangan ng Mindanao.

Nilinaw ng PAGASA, kapag hindi nagbago ang direksyon nito at kikilos pa-kanluran, maaaring papasok ang bagyo sa PAR sa loob ng 24 oras o ngayong umaga (Linggo).

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging 45 kilometers per hour (kph) at bugsong hanggang 60 kph.

Probinsya

Isa sa mga pinakalumang simbahan sa Itbayat, Batanes, sinira ng ‘Leon’

Sa pagtaya ng ahensiya, tatama ang bagyo sa Davao Oriental sa pagitan ng Lunes ng gabi at Martes ng umaga.

Inaasahan din ng PAGASA na makararanas ng kalat-kalat ngunit malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao sa nabanggit na mga araw.

Ellalyn De Vera-Ruiz