Nag-plead ng not guilty sa Sandiganbayan si Agusan del Sur Governor Adolph Edward Plaza sa kinakaharap niyang graft at malversation, dahil umano sa pagkakasangkot sa P10-milyong fertilizer fund scam noong 2004.

Ayon sa 4th Division ng anti-graft court, nabigo si Plaza na magpasok ng kanyang plea nang basahan siya ng demanda kaugnay ng paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Ikinatwiran ni Plaza, hindi pa nadedesisyunan ng Korte Suprema ang iniharap nilang petisyon para sa temporary restraining order.

Hindi naman kinikilala ng 13 pang kasamahang akusado ni Plaza ang demanda laban sa kanila, kaya ang hukuman na lamang ang nagpasok ng not guilty plea ng mga ito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasama rin sa kaso sina Executive Assistant IV Jesusimo Lamela Ronquillo, Assistant Provincial Administrator Cristobal Aboy Cellan Jr., Provincial Department Head Maximo Mongcal Gegato Jr., Assistant Department Head ng Provincial Accounting Office na si Niceto Ranario, Provincial Treasurer Celsa Sanchez, Security Agent I Andre Bustamante;

Gayundin sina Supply Officer II Arnold Calang, Storekeeper II ng Provincial Engineering Office Sofronio Raro, Assistant Provincial Treasurer Villa Udad, Budget Officer IV Emmanuel Pedrera Quiban, Assistant Department Head of the Provincial Engineering Office Pamela Yucosing, Provincial Government Assistant Department Head Domingo Castro Jr., at Executive Assistant IV Roberto Moreno Natividad.

Ang kaso ay kaugnay ng pagsasabwatan umano ng mga akusado upang maibigay sa Feshan company ang kontrata sa pagbili ng ilang bote ng pataba na nagkakahalaga ng P9,908,100, limang taon na ang nakararaan.

Czarina Nicole O. Ong