Aabot sa anim na milyong Pilipino ang tatanggap ng kanilang national identification cards kapag lumabas ang unang batch ng card sa Setyembre.

(Mark Balmores)

(Mark Balmores)

Siniguro ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang naturang hakbang sa pagdinig na ginawa ng House Oversight Committee on Population and Family Relations sa Dumaguete City, Negros Occidental.

Layunin ni dating Pangulo at House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na pabilisin ang implementasyon ng Philippine Identification System (PhilSys).

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Tiniyak naman ng mga opisyal ng PSA sa House panel na handa silang magsagawa ng unang batch ng registration at determinadong makapag-i-isyu sila ng unang pangkat ng ID sa Setyembre.

“I am happy that it’s all systems go for the National ID system based on the timeline they have presented to us this morning,” pahayag ni Arroyo sa mga mamamahayag pagkatapos ng Oversight hearing sa Dumaan City said.

Sa pagdinig, sinabi ng abogadong si Lourdines Dela Cruz, Deputy National Statistician ng PSA, na alinsunod sa RA 11055 (The Philippine Identification System Act) , sisimulan na nila ang pagpaparehistro ng aabot sa anim na milyong katao para sa PhilSys sa darating na Setyembre.

Maaaring makakuha nito ang mga Pilipino mula limang taong gulang pataas at resident alien.

Binigyang-diin din ni Dela Cruz na ang unang irerehistro ay mga indigent, persons with disabilities (PWDs) at mga empleyado ng gobyerno.

Ang mga impormasyong kailangan para sa PhilSys ay biometrics (thumbprint, iris and face scanning), buong pangalan, kasarian, kapanganakan, lugar kung saan ipinanganak, blood type, address, at kung isang tunay na Pilipino o resident alien.

Depende naman sa kukuha kung nais pa nitong ilagay ang marital status, mobile number at email address sa card.

Pagkatapos ng libreng pagpaparehistro, bibigyan ang registrant ng kanyang permanenteng PhilSys Number.

Ang card ay magsisilbing single identification system para sa lahat ng Pilipino at resident alien, nang sa gayon ay hindi na kailanganin pa ang magprisinta ng ibang uri ng identification kapag nakikipagtransaksyon sa gobyerno at pribadong sektor.

Sa 2022, ani Dela Cruz, makapag-i-isyu sila ng 100 milyong card sa mga Pinoy at resident alien.

-BEN ROSARIO