Matapos ang serye ng big-time oil price hike, magpapatupad naman ng rollback ngayong linggo.

(Photo by: Mark Balmores)

(Photo by: Mark Balmores)

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng matapyasan ng 20 sentimos ang kada litro ng gasolina, habang 5-10 sentimos naman ang inaasahang bawas-presyo sa diesel.

Ang nagbabadyang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Pebrero 5 nang huling nagtapyas ng P0.60 sa gasolina, P0.35 sa diesel, at P0.20 sa kerosene.

National

Kampo ni VP Sara, nagsalita sa 'sufficiency in form and substance' ng impeachment complaints

-Bella Gamotea