Ipinagpaliban ng Manila Regional Trial Court (RTC) branch 46 ang pagbabasa ng sakdal kay Rappler CEO Maria Ressa, upang bigyang-daan ang Motion to Quash na inihain ng kanyang mga abogado na nagnanais na ibasura ang kanyang cyber-libel case.

RESSA

Dumalo si Ressa, kasama ang kanyang mga abogado mula sa Free Legal Assistance Group (FLAG), dating Supreme Court (SC) Spokesperson Theodore Te at senatorial candidate Chel Diokno, sa motion hearing ngayong Biyernes, bandang 8:30 ng umaga.

Dumalo rin ang state prosecutors at maging ang legal counsels ng complainant na si Wilfredo Keng.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa isang panayam, sinabi ni Te sa mga mamamahayag na nagdesisyon ang Korte na ipagpaliban ang arraignment kay Ressa "until the Motion to Quash is resolved."

Binigyan ni Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa ang prosekusyon ng 10 araw upang magkomento sa mosyon.

Matapos nitos, ang defense ay binigyan ng limang araw para sumagot at karagdagang limang araw para sa rejoinder ng ibang kampo.

Itinakda ang arraignment sa Abril 12, sa kaparehong oras.

Ang mosyon, na inihain ng abogado ni Ressa nitong Pebrero 26, ay nagsasabing ang cyber-libel case ng Department of Justice (DoJ) laban kay Ressa, dating reporter na si Reynaldo Santos, Jr., at Rappler Inc. ay walang basehan.

Kabilang sa mga grounds na ipinagdiinan ay ang misapplication ng multiple republication, sinabing sa print media lamang ito at ang bisa ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa Cybercrime Prevention Act of 2012 mula Oktubre 9, 2012 hanggang Abril 22, 2014, na sakop ng period ng umano’y republication ng Rappler.

-Ria Fernandez