SANA ay tangkilikin ng mahihilig manood ng sine ang pelikulang Familia Blondina dahil kumpletos rekados, nakakatuwa, nakakatawa, nakakaiyak at mamahalin mong lalo rito sina Karla Estrada at Jobert Austria bilang mga magulang ng kanilang mga anak na pasaway.

Cast ng 'Familia Blondina'

Parang hindi nga umaarte si Karla bilang single mom dahil lahat ng ginawa niya sa pelikula para pagsilbihan at buhayin ang mga anak na sina Marco Gallo, Kira Balinger at Xia Vigor ay ginawa niya sa tunay na buhay noong mga bata pa ang apat na anak niyang sina Daniel Padilla, JC Padilla, Margaret Planas at Carmela Tenorio.

At single dad naman si Jobert sa pelikula, na ganito rin sa tunay na buhay dahil siya na ang nag-alaga sa nag-iisang anak mula nang iwanan sila ng kanyang asawa 30 years ago, ay ipinakita rin niya kung gaano siya ka-devoted na ama sa dalawang anak sa pelikula na sina Chantal Videla at Shane Weinberg.

Elisse Joson, 'di kayang makita isilid sa sako ang anak: 'Even as work lang!'

Pampamilya ang Familia Blondina at ipinakita rito ang values ng isang Filipino family na kahit lumaki sa ibang bansa ay dapat matutong gumalang sa nakatatanda.

Maayos ang pagkakagawa ng script at maayos ang pagkaka-direk ni Jerry Sineneng. Gustung-gusto namin ang setting ng pelikula na sa probinsya na maraming puno, fresh sa paningin.

Nakakairita lang ang karakter ni Ruby Ruby bilang kontrabidang kapatid ni Karla. Inggit siya sa kapatid kaya ganu’n nalang ang galit nito, na sa huli ay pinagsisihan naman niya.

Wala kaming nakikitang bago sa karakter ni Awra na maharot at lumalandi kay Marco, na ang gusto naman ay ang kapatid niyang si Heaven Peralejo. Mabuti na lang at seryoso ang batang aktor sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya hindi nakakasawa.

Ang producer na si Doc Dennis Aguirre ang gumanap na doktor ni Karla at maruno siyang umarte, curious lang kami kung nakailang takes siya, ha, ha, ha.

Sana ay gumawa ulit sina Doc Dennis at Direk Jerry ng pampamilyang pelikula na puwede nilang isama sa Metro Manila Film Festival dahil tiyak na papasukin ito.

Ang Familia Blondina ay produced ng Arctic Sky Entertainment at release ng Cinecreen na palabas na kahapon.

Reggee Bonoan