Habang patuloy na dumadami ang nagkakatigdas sa bansa, kinumpirma ng Department of Health na binuksan na ngayong Linggo ang unang vaccination center sa loob ng mall, sa Tagaytay City.

MB, file

MB, file

Pinangunahan mismo ni DoH-Region 4A Director Eduardo Janairo at ng pamahalaang lungsod ng Tagaytay ang pagbubukas ng naturang vaccination center sa Ayala Malls Serin sa Tagaytay-Nasugbu Highway sa Silang Junction South, Tagaytay City, sa Cavite.

“This event will increase measles vaccination coverage and reduce missed opportunities for vaccination by proving more immunization sites for children. Vaccination posts in malls, schools, fast food chains, churches and even bus terminals are necessary so that parents living near these areas can bring their child for immunization,” ani Janairo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Kaugnay nito, kinumpirma ni Janairo na patuloy pa ring dumadami ang kaso ng tigdas sa rehiyon, na sa huling tala ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU)—batay sa monitoring simula Enero 1, 2019 hanggang Pebrero 23, 2019—ay umabot na sa kabuuang 3,384 ang tinigdas sa rehiyon, at 83 sa mga ito ang nasawi.

Mas mataas ito ng 3,835% kumpara sa 86 na tinigdas at tatlong namatay sa rehiyon sa kaparehong panahon noong 2018.

Pinakamarami pa rin ang naitalang kaso sa Rizal sa 1,761, na may 58 pagkamatay, kasunod ang Cavite (485 kaso, 8 pagkasawi), Laguna (477 kaso, 9 pagkamatay), Batangas (359 kaso, apat ang nasawi), at Quezon (302 kaso, apat ang nasawi).

Mary Ann Santiago